
Ang pagnanakaw ng pera
sa kaban ng bayan ng mga
tao sa gobyerno.Ito ang
pinakamalupit at talamak
na dahilan ng paghihirap ng
bayan. Ang pera na para
sana sa mga taong bayan
ay napupunta lang sa bulsa
ng iilan na mga may
kapangyarihan sa pamahalaan.
Ito ay maituturing na kanser
sa lipunan.
Para lutasin ang mga problemang kinakaharap ng masa kailangan ng aktibong pagkilos ng masang Pilipino para iligtas ang bansa sa delubyo ng karalitaan at kawalang pag-asa. Sa loob at labas ng bulwagan ng kongreso kailangan ang pakikilahok ng masa. Kailangan din ang representante ng masa sa Senado na makikipaglaban sa kagyat at pangmatagalang kalutasan ng problema ng bansa.
No comments:
Post a Comment