Sunday 9 October 2016



Iba-iba ang personality ng isang tunay na kaibigan. Minsan sa totoo lang ang hirap talagang maniwala sa mga tao sa paligid mo. Minsan hindi mo talaga alam kung sino ang mga kaibigan mo at kung sino ang mga fake. Mahirap kilalanin ang mga fake friends dahil sa kadahilanang ayaw nilang magmuka silang masama sa paningin mo kaya minsan itatago nila yun minsan naman kung hindi nila tinatago nilalabas naman nila sa iba pang mga tao para lang makahanap ng kakampi o minsan para ikaw ang maging masama sa imahe ng iba.

Image result for magkaibigan cartoonAng tunay na pagkakaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende
 sa sitwasyon maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na 
makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema 
at kabiguan sa buhay, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan at
 mabibilang mo ang mga tunay na mananatili sa iyo, mga kaibigang 
tutulong at magpapasaya ng araw na puro kalungkutan sa
 pamamagitan ng pakikibahagi sa ng meron sila at meron ka
 upang pagsaluhan ninyo.




Nakakalungkot mang isipin pero merong mga kaibigan na
nagkukunwari at dadating ang araw ng sinisiraan ka patalikod                     
Image result for tsismis imagesna nagiging dahilan na ikaw ay natatakot na magkaroon muli 
ng  kaibigan at isumpa ang taong nanloko sa iyo na
 kaibigan mo sa mahabang panahon at ang tiwala sa iba
 patungo sa pagkakasira minsan dahil sa pera kaya ka 
lang niya kaibigan at hindi mo inaasahan na pag wala
 ka hindi ka nila dadamayan.


Ang tunay na kaibigan ay hindi ka huhusgahan bagkus ay yayakapin ang iyong buong pagkatao, kasama ng iyong kamalian, kakulangan at kahinaan.

-JaniceDubduban







No comments:

Post a Comment