Sunday 9 October 2016

KAHIRAPAN SA PILIPINAS!

Image result for kahirapan sa pilipinas       Ang KAHIRAPAN ay isa sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Madalas sinisisi ng iba ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa pero sila nga ba ang may kasalanan o taong mga Pilipino na tamad. Sinasabi ng karamihan kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho pero ang totoo maraming trabahong nakalaan mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi natin sila masisisi kung pipiliin nila ang maupo lang sa tabi at manghihingi nalang lang ng makakain sa iba at hindi sila gagawa ng paraan para makahanap sila ng trabaho.



Ang pagnanakaw ng pera 
Image result for magnanakaw sa kaban ng bayan
sa kaban ng bayan ng mga
 tao sa gobyerno.Ito ang
 pinakamalupit at talamak 
na dahilan ng paghihirap ng 
bayan. Ang pera na para
 sana sa mga taong bayan
 ay napupunta lang sa bulsa 
ng iilan na mga may 
kapangyarihan sa pamahalaan. 
Ito ay maituturing na kanser
 sa lipunan. 

Para lutasin ang mga problemang kinakaharap ng masa kailangan ng aktibong pagkilos ng masang Pilipino para iligtas ang bansa sa delubyo ng karalitaan at kawalang pag-asa. Sa loob at labas ng bulwagan ng kongreso kailangan ang pakikilahok ng masa. Kailangan din ang representante ng masa sa Senado na makikipaglaban sa kagyat at pangmatagalang kalutasan ng problema ng bansa.







Iba-iba ang personality ng isang tunay na kaibigan. Minsan sa totoo lang ang hirap talagang maniwala sa mga tao sa paligid mo. Minsan hindi mo talaga alam kung sino ang mga kaibigan mo at kung sino ang mga fake. Mahirap kilalanin ang mga fake friends dahil sa kadahilanang ayaw nilang magmuka silang masama sa paningin mo kaya minsan itatago nila yun minsan naman kung hindi nila tinatago nilalabas naman nila sa iba pang mga tao para lang makahanap ng kakampi o minsan para ikaw ang maging masama sa imahe ng iba.

Image result for magkaibigan cartoonAng tunay na pagkakaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende
 sa sitwasyon maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na 
makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema 
at kabiguan sa buhay, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan at
 mabibilang mo ang mga tunay na mananatili sa iyo, mga kaibigang 
tutulong at magpapasaya ng araw na puro kalungkutan sa
 pamamagitan ng pakikibahagi sa ng meron sila at meron ka
 upang pagsaluhan ninyo.




Nakakalungkot mang isipin pero merong mga kaibigan na
nagkukunwari at dadating ang araw ng sinisiraan ka patalikod                     
Image result for tsismis imagesna nagiging dahilan na ikaw ay natatakot na magkaroon muli 
ng  kaibigan at isumpa ang taong nanloko sa iyo na
 kaibigan mo sa mahabang panahon at ang tiwala sa iba
 patungo sa pagkakasira minsan dahil sa pera kaya ka 
lang niya kaibigan at hindi mo inaasahan na pag wala
 ka hindi ka nila dadamayan.


Ang tunay na kaibigan ay hindi ka huhusgahan bagkus ay yayakapin ang iyong buong pagkatao, kasama ng iyong kamalian, kakulangan at kahinaan.

-JaniceDubduban







Saturday 1 October 2016

Resulta ng larawan para sa droga
DROGA?
 ''Isa sa pinakamatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking gulo sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay ang na nawawasak at napipinsala  kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating nasasayang.''
Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y medisina upang madaling mawawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.
May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man sa iba na ito'y makakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.


Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.


Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.


Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.