KAHIRAPAN SA PILIPINAS!
Ang KAHIRAPAN ay isa sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Madalas sinisisi ng iba ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa pero sila nga ba ang may kasalanan o taong mga Pilipino na tamad. Sinasabi ng karamihan kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho pero ang totoo maraming trabahong nakalaan mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi natin sila masisisi kung pipiliin nila ang maupo lang sa tabi at manghihingi nalang lang ng makakain sa iba at hindi sila gagawa ng paraan para makahanap sila ng trabaho.
Ang pagnanakaw ng pera
sa kaban ng bayan ng mga
tao sa gobyerno.Ito ang
pinakamalupit at talamak
na dahilan ng paghihirap ng
bayan. Ang pera na para
sana sa mga taong bayan
ay napupunta lang sa bulsa
ng iilan na mga may
kapangyarihan sa pamahalaan.
Ito ay maituturing na kanser
sa lipunan.
Para lutasin ang mga problemang kinakaharap ng masa kailangan ng aktibong pagkilos ng masang Pilipino para iligtas ang bansa sa delubyo ng karalitaan at kawalang pag-asa. Sa loob at labas ng bulwagan ng kongreso kailangan ang pakikilahok ng masa. Kailangan din ang representante ng masa sa Senado na makikipaglaban sa kagyat at pangmatagalang kalutasan ng problema ng bansa.
Janice Blog
Sunday 9 October 2016
Iba-iba ang personality ng isang tunay na kaibigan. Minsan sa totoo lang ang hirap talagang maniwala sa mga tao sa paligid mo. Minsan hindi mo talaga alam kung sino ang mga kaibigan mo at kung sino ang mga fake. Mahirap kilalanin ang mga fake friends dahil sa kadahilanang ayaw nilang magmuka silang masama sa paningin mo kaya minsan itatago nila yun minsan naman kung hindi nila tinatago nilalabas naman nila sa iba pang mga tao para lang makahanap ng kakampi o minsan para ikaw ang maging masama sa imahe ng iba.
sa sitwasyon maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na
makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema
at kabiguan sa buhay, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan at
mabibilang mo ang mga tunay na mananatili sa iyo, mga kaibigang
tutulong at magpapasaya ng araw na puro kalungkutan sa
pamamagitan ng pakikibahagi sa ng meron sila at meron ka
upang pagsaluhan ninyo.
Nakakalungkot mang isipin pero merong mga kaibigan na
nagkukunwari at dadating ang araw ng sinisiraan ka patalikod
ng kaibigan at isumpa ang taong nanloko sa iyo na
kaibigan mo sa mahabang panahon at ang tiwala sa iba
patungo sa pagkakasira minsan dahil sa pera kaya ka
lang niya kaibigan at hindi mo inaasahan na pag wala
ka hindi ka nila dadamayan.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka huhusgahan bagkus ay yayakapin ang iyong buong pagkatao, kasama ng iyong kamalian, kakulangan at kahinaan.
-JaniceDubduban
Saturday 1 October 2016
DROGA?
''Isa sa pinakamatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking gulo sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay ang na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating nasasayang.''
Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y medisina upang madaling mawawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.
|
Subscribe to:
Posts (Atom)